Libreng serbisyong medikal, handog ng mga lokal na pamahalaan sa CAMANAVA ngayong kaarawan ni PBBM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-organisa ng Medical Mission ang mga lokal na pamahalaan sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) bilang handog sa selebrasyon ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ngayong araw, September 13.

Sa abiso ng Caloocan LGU, isasagawa ang Lab for All Medical Mission event sa Galino Covered Court sa Barangay 102, Caloocan City-South ngayong araw kung saan nasa 1,000 residente ang target na benepisyaryo.

Sa pangunguna naman ng City Health Department, magkakaroon ng Malabon Ahon Medical Mission sa Malabon Amphitheater kung saan nasa 2,000 residente ang bibigyan ng libreng serbisyong medikal kabilang ang Family Planning Program, Blood Sugar, Cholesterol Screening, Tooth Extraction, HIV Testing, at Routine Catch-Up Vaccination para sa mga kabataan.

Magkakaroon naman muna ng Mangrove Tree Planting sa Tanza Marine Tree Park sa Navotas bago ang Medical Mission sa Navotas Sports Complex kung saan may libreng pagpapakonsulta, Philhealth enrollment, at gamot.

Habang sa Valenzuela, inaanyayaha ang mga residente na magtungo sa #LABforALL Medical Mission na may kasamang Optical, Dental, at Family Planning Services sa Sitio Kabatuhan, Barangay Gen. T. De Leon.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us