Biyahe ng MV Melric Seven patungong Leyte, kinansela para sa gagawing preventive maintenance

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpabatid ang Philippines Port Authority ngayong Huwebes na pansamantalang suspendido ang biyahe ng MV Melrivic Seven na may rutang pa-Leyte.

Kanselado ang mga biyaheng mula sa Polambato, Bogo patungong Palompon, Leyte at vice-versa sa mga sumusunod na schedule dahil sa preventive maintenance bilang paghahanda sa Semana Santa.

Sa Bogo, Palompon kanselado ang biyahe simula ngayong araw ng Huwebes ,March 16 ,2023 na mga oras mula 11:00 PM hanggang muling i-anunsiyo at sa Palompon, Bogo mula March 17, 2023 sa oras na 6:30 ng umaga hanggang sa muling pag-aanunsiyo.

Inaabisuhan ng PPA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa concerned shipping lines para sa karagdagang detalye o mga katanungan. | ulat Paula Antolin

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us