165 sakay ng nabalahaw na banka sa Sulu, nailigtas ng Phil. Navy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinagip ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) ang nasa 165 pasahero at crew matapos mabalahaw sa karagatan ang sinasakyan nilang bangka.

Ayon kay Niño Fernando Cunan Acting Public Affairs Officer, Naval Forces Western Mindanao agad rumesponde ang BRP Florencio Iñigo (PC393) matapos matanggap ang distress call mula sa nabalahaw na watercraft sa karagatang sakop ng East Bolod Island, Sulu kamakalawa.

Nasa 52 adults at 18 mga bata ang inilipat sa BRP Florencio habang ang iba pang 95 pasahero ang nanatili sa nabalahaw na sasakyang pandagat habang ito ay hinihila patungong Ensign Majini Pier sa Naval Station Romulo Espaldon, Zamboanga City.

Wala namang napaulat na nasaktan sa naturang insidente. | ulat ni Leo Sarne

📸: NFWM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us