Mambabatas, aminadong maaari pang mabawasan ang mga senador na sumusuporta sa Cha-Cha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na posible pang mabawasan ang apat hanggang limang senador na sumusuporta sa panukalang amyendahan ang konstitusyon.

Ayon kay Dela Rosa, maaari kung makita ng ibang mga senador na masasayang lang ang mga hakbangin sa pagsusulong ng charter change ay baka makisama na rin sa mayorya ang iba pang mambabatas na kumokontra dito.

Maging siya mismo ay posible aniyang madala sa panig ng mayorya ng mga senador lalo na kung makita niyang posibleng mabuksan ang political provisions sa pagsusulong ng cha-cha.

Nilinaw din ni Dela Rosa na hindi rin siya pabor sa paggamit ng Constitutional Convention (Con-Con) para sa pag-amyenda sa konstitusyon dahil masyado itong magastos at mawawalan ng saysay ang boto ng mga senador.

Samantala, sinabi ng senador na dadalo siya sa ipinatawag na pagdinig ni Senador Robin Padilla para sa pag-amyenda sa economic provisions sa konstitusyon ngayong araw sa Cebu.

Ito aniya ay upang mapakinggan ang opinyon ng publiko tungkol sa panukala. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us