Inaasahan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatayo ng mga karagdagan pasilidad sa mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kasunod ng kanyang pagbisita kahapon sa mga EDCA site sa Lal-lo Airbase at Camilo Osias Naval Station sa Cagayan at Basa Airbase sa Pampanga.
Kasama ng AFP chief sa pag-inspeksyon sa naturang mga EDCA site sina US Ambassador to the Philippines Marykay Carlson at US Indo-Pacific Commander Admiral John Aquilino.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Gil Ileto, na ang pagbisita ay naging pagkakataon para makita kung ano pa ang mga kailangang itayong pasilidad sa naturang mga EDCA site.
Kabilang sa mga ito ang pagtatayo ng pier na may watering facility at shore power, multi-purpose storage facility, refueling stations, at Humanitarian and Disaster Response (HADR) warehouse. | ulat ni Leo Sarne
📸: DPC