Mabilis na tulong sa rice retailers ng pamahalaan, pinuri ng Dagupan LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri at ikinatuwa ni Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez ang mabilis na tugon ng pamahalaan, partikular ng tanggapan ng DSWD at DTI, upang mabigyan ng paunang tulong sa rice retailers ng lungsod kasabay ng pagpapatupad ng EO 39.

Sa ginawang pagbibigay ng financial assistance sa pitong retailers kahapon, September 13, na personal nitong dinaluhan, sinabi ng alkalde na natutuwa ito dahil kaagad na mayroon nang tulong na ibinigay ang pamahalaan para sa mga rice retailers ng lungsod.

Aniya, maging ito ay nagulat din dahil noon lamang nakaraang linggo nang magtungo sa kanyang tanggapan ang mga kawani ng DTI Pangasinan upang ipagbigay alam ang pag-iral na ng P41 at P45 na price cap para sa presyo ng kada kilo ng regular at well milled na bigas.

Kaya naman iginiit ng alkalde sa rice retailers ng lungsod na makipagtulungan sa pamahalaan dahil hindi rin naman nagpapabaya ang gobyerno sa paghahanap ng mga paraan upang sila ay matulungan.

Samantala, sinabi rin ng opisyal na nakapagsumite na rin sila ng dagdag na listahan na naglalaman ng nasa 40 na rice retailers para sa susunod na bugso ng pagbibigay ayuda para sa kanila.

Ang pitong rice retailers na benepisyaryo kahapon ay tumanggap ng tig-P15,000 bawat isa mula sa Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

Ito ay one-time assistance lamang at dapat na gamitin sa pagbili ng bigas na kanila ding ibebenta sa publiko. | ulat ni Ruel L. de Guzman | RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us