DSWD Bicol, naglaan ng P8.670-M pondo para sa rice subsidy na ibabahagi sa micro rice retailers sa rehiyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio, may total na P8.670 milyon ang kabuuang pondong inilaan ng kanilang tanggapan sa rice subsidy para sa micro rice retailers sa rehiyon na naapektuhan ng price cap sa bigas na ipinapatupad ng gobyerno, alinsunod sa Executive Order number 39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. May 578 na rice retailers sa rehiyon ang beneficiaries.

Batay ito sa listahan ng Department of Trade and Industry 5.

Narito ang breakdown sa bawat probinsiya; Sa Albay may 154 na beneficiaries may katumbas na ayudang P2.310-M.

Sa Sorsogon may 189 na beneficiaries ang total na ayuda P2.835-M

Sa Camarines Sur may 67 na beneficiaries at P1.005-M ang ayuda.

Sa Catanduanes may beneficiaries na 35 at P525K pisong ayuda.

Sa Masbate may beneficiaries na 83 at ang ayuda ay P1.245-M

Sa Camarines Norte may 50 na beneficiaries at P750K ang ayuda.  | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us