DENR, pangungunahan ang Int’l Coastal Cleanup sa Bataan at NCR sa Sep. 16

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naghahanda na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pakikiisa nito sa 2023 International Coastal Cleanup (ICC) na gaganapin sa Sabado, September 16.

Nakatakdang pangunahan nina DENR Undersecretary Marilou Erni, Juan Miguel Cuna, at Jonas Leones ang isa sa mga cleanup drive sa Balanga City Wetland, at Nature Park, Balanga, Bataan.

Ayon sa DENR, ang tema ng ICC Day ngayong taon ay Clean Seas for Healthy Fisheries’ na kakabit ng United Nations Decade of Ocean Science for Sustainable Development – Ocean Decade Challenge 3.

Bukod sa Bataan, magkakaroon din ng cleanup drive sa SM By the Bay, Pasay, Las Piñas-Parañaque Wetland Park, Tanza Marine Tree Park, Navotas Manila Baywalk Dolomite Beach, Brgy. Tongos North; Brgy. Tongos South, Navotas, Tullahan River, Brgy. San Bartolome, Novaliches, Qjezon City, Pasig River, Lawton Ferry Station, Manila, Baseco Beach, Manila
H2O Hotel, Manila Ocean Park, at Parañaque

Sa bisa ng Presidential Proclamation No. 470, s. 2003, isinasagawa tuwing ikatlong linggo ng setyembre ang ICC Day na kakabit ng Global Coastal Cleanup celebrations. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us