Pasay LGU, magpapatupad ng road closure sa ilang kalsada sa lungsod para magbigay daan sa 2023 Bar Exams

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magpapatupad ng road closure ang Lungsod ng Pasay sa ilang kalsada sa lungsod upang bigyang daan ang gaganaping 2023 Bar Examinations na mag-uumpisa sa September 17.

Ayon sa Public Information Office ng lungsod, isasara ang kahabaan ng San Juan Street mula Donada hanggang Leverisa Street mula September 17, 20, at 24 mula alas-3 ng madaling araw hanggang alas-8 ng gabi dahil isa ang Manila Adventist College sa pagdarausan ng Bar Exams.

Abiso naman ng lokal na pamhalaan sa mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta at planuhin ang biyahe sakaling dadaan sa mga nabanggit na lugar sa mga araw ng Bar Exams.  | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us