??????????, ????, ??????? ?? ????????? ???? ?? ?????? ?? ?????????????? ??????
Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mas pinagandang serbisyo para sa may 111 milyong Pilipino saan man sa mundo na ihahatid ng pinaigting na digitalisasyon ng ahensya.
Ito ang inihayag ni PhilHealth President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma matapos nilang selyuhan ang isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ayon kay Ledesma, layunin ng nilagdaang MOU ng PHILHEALTH at DICT ay para magkaroon ng isang synchronized at well-coordinated na ICT system.
Sinabi rin ni Ledesma na nais din nilang matiyak ang integration, interoperability at interconnection ng systems at applications ng dalawang ahensya alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na digitalization sa pamahalaan.
Dagdag pa niya, sa ilalim ng partnership, susuriin ng DICT ang kasalukuyang sistema ng PhilHealth upang makapagbigay sila ng rekomendasyon at istratehiya para mapagbuti pa ang ICT system nito.
Sa panig ng DICT, sinabi ni Sec. Ivan John Uy na itinuturing nilang “milestone in terms of e-governance” ang kasunduan dahil ito ay tutugon sa matagal nang hamon ng digitalisasyon ng public health care.
Dagdag pa ni Uy, makakatulong ang naturang partnership sa pagbibigay ng mas mabuting serbisyo at pagpapadali ng paggamit ng benepisyo ng PhilHealth. | ulat ni Jaymark Dagala
?: PhilHealth