Mga rice retailer sa Marikina City, nabiyayaan ng moratorium sa renta ng kanilang puwesto sa palengke at binigyan ng tax incentives

Facebook
Twitter
LinkedIn

Anim na buwang exemption sa business tax, tax amnesty at libreng dalawang buwang renta sa palengke ang handog ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina para sa mga maliliit na rice retailer sa lungsod.

Ito ang inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro kasunod na rin ng pamamahagi ng P15,000 ayuda para sa mga rice retailer ngayong araw.

Ayon sa Alkalde, nauunawaan niya ang hirap ng mga nagtitinda ng bigas na humahango ng kanilang suplay sa mas mataas na halaga upang makasunod sa inilabas na Executive Order No. 39 o ang pagtatakda ng price ceiling sa bigas.

Bagaman batid din niya ang ginhawang hatid nito sa mga konsyumer, kailangan din aniyang matulungan ang mga nagbebenta ng bigas upang maipagpatuloy nila ang pagtitinda.

Paliwanag ng Alkalde, ginawa na rin nila ang ganitong tulong noong kasagsagan ng pandemiya at kanila itong inulit upang tulungan na makabawi ang mga tindero ng bigas hanggang sa maging sapat na muli ang suplay at bumaba na ang presyo nito.

Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng mga rice retailer sa handog na ayuda ng national at local government lalo’t malaking tulong sa kanila ito upang makapaghanap buhay. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us