Peace marker ng gawa sa isinukong armas, inilantad sa PMA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang paglalantad ng peace marker na gawa sa mga piyesa ng isinukong armas sa Philippine Military Academy (PMA), sa Baguio City.

Ang ‘Longayban’ peace marker na salitang Ibaloi at Kankanaey para sa “magandang binibini” ang pangatlong peace marker na itinatag sa Cordillera Region.

Ang unang peace marker ay itinatag sa Mount Data Hotel sa Bauko, Mountain Province kung saan nilagdaan ang makasaysayang 1986 Mount Data Peace Accord.

Ang pangalawa ay inilagay sa Manabo, Abra, kung saan idinaos ang Pagta Congress noong 1986.

Ayon kay Galvez, ang mga peace marker ay nagsisilbing paalala sa mga mamamayan sa rehiyon ng mga makabuluhang kaganapan sa matagumpay na prosesong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Cordillera Bodong Administration at Cordillera People’s Liberation Army (CBA-CPLA). | ulat ni Leo Sarne

📷: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us