Mahigit 400 PNP personnel, sasanayin ng Comelec para sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsasagawa rin ng training ang Commission on Elections sa mga tauhan ng Philippine National Police, para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, ito ay upang matiyak na may hahalili sa mga Electoral Board Members o mga guro sakaling hindi sila makapaglingkod sa araw ng halalan.

Sabi ni Garcia, ayaw nilang maging kampante lalo na sa mga lugar na mino-monitor ng Comelec, tulad ng isang bayan sa Maguindanao South at dalawang bayan sa Maguindanao North.

Ginawa na rin daw ito ng Comelec noong 2022 sa Cotabato City, kung saan ang mga naglingkod ay ang mga PNP personnel na duly certified ng Comelec.

Tinatayang nasa 400 tauhan ng PNP ang sasanayin ng Comelec bilang panghalili sa Electoral Board members. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us