Request na exemption ng mga barangay para gamitin ang kanilang pondo ngayong Septyembre at Oktubre, ibinasura ng Comelec

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pinagbigyan ng Commission on Election ang kahilingan ng maraming Barangay Officials na gamitin ang ilang bahagi ng kanilang Barangay Fund ngayon Septyembre at Oktubre.

Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, maraming barangay sa buong bansa ang sumulat sa kanila para magamit ang kanilang pondo sa pagpapagawa ng mga proyekto at social services.

Lahat daw ng request ay kanilang tinanggihan dahil sa paniniwalang gagamitin lamang ito ng mga incumbent Barangay Officials para sa kanilang pangangampanya.

Tanging ang operating expenses lamang tulad ng sweldo, bayad sa kuryente, tubig at telepono ang pinahihintulutang gamitin.

Babala ng Comelec, hindi sila magdadalawang isip na i-disqualify ang sinumang mga incumbent Barangay Officials na gagamitin ang pondo ng barangay at SK para sa pangangampanya. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us