DFA Sec. Manalo, nakipagpulong kay Argentine Foreign Minister Cafiero upang palakasin ang bilateral agreement ng dalawang bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkaroon ng pagpupulong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Argentine Foreign Minister Santiago Andres Cafiero upang mas palakasin pa ang bilateral agreement ng dalawang bansa.

Ayon kay DFA Secretary Enrique Manalo, isa sa napag-usapan sa naturang pagpupulong nila ni Foreign Minister Cafiero ay kung papaano papalakasin ang bilateral cooperation ng dalawang bansa sa sektor ng nuclear and renewable energy, space, at sektor ng forensic science and pathology.

Isa rin sa napag-usapan ang pagprotekta sa soberanya ng Pilipinas hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at Pilipinas bagay na nagbigay ng pasuporta ang Argentina sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio

📷: DFA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us