Plenary debates para sa 2024 General Appropriations Bill, kasado na sa Setyembre19

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan ng Kamara ang pagtalakay sa plenaryo ng House Bill 8980 o 2024 General Appropriations Bill sa ika-19 ng Setyembre.

Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Appropriations ang committee report at schedule para sa 2024 GAB.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Quimbo, vice chair ng komite, kabilang sa ilang pagbabago na kanilang ginawa sa panukalang pondo ang pagpapalawig sa validity ng MOOE budget ng dalawang taon mula sa kasalukuyang isa’t kalahating taon.

Naglagay din aniya sila ng probisyon para sa ‘independence’ ng Kongreso bilang co-equal branch — ibig sabihin, hindi na required ang Kongreso na magsumite ng report sa ehekutibo.

Wala naman aniyang binago sa mga kontrobersyal na pondo gaya ng confidential at intelligence fund.

Unang sasalang sa deliberasyon ang DBCC na kinabibilangan ng Department of Finance at NEDA, Department of Tourism at ibang executive offices gaya ng ARTA, Mindanao Development Authority at Film Development Council of the Philippines. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us