Pagiging top rice importer ng Pilipinas, dahil sa napabayaang sektor ng agrikultura, ayon sa isang mambabatas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Nueva Ecija Representative Ria Vergara na ang kawalan ng suporta sa sektor ng agrikultura sa loob ng maraming dekada ang dahilan kung bakit nauwi ngayon ang Pilipinas sa pagiging top importer ng bigas.

Batay sa ulat ng US Department of Agriculture, naungusan na ng Pilipinas ang China sa pagiging top importer ng bigas sa buong mundo.

Punto ni Vergara, lagi na lang maliit ang pondo na nakukuha ng Department of Agriculture sa ilalim ng national budget.

Katunayan, para sa susunod na taon, ₱197 billion o 3 percent lang ng kabuuang ₱5.768 trillion proposed budget ang inilaan para sa DA.

Kulang din aniya ang pondo ng National Irrigation Authority (NIA) para maayos at dagdagan ang irigasyon; Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para mabigyan ng insurance ang mga magsasaka kapag naapektuhan ang ani dahil sa climate change; at farm to market roads.

Isa pa sa nakikita ni Vergara na hamon sa pagpapalakas ng lokal na produksyon ng bigas ay hindi lahat ng magsasaka, lalo na yung mga maliliit na rice farmer ay nakakabenepisyo sa ₱10 billion na Rice Competitive Enhancement Fund (RCEF).

Nakakalungkot aniya ito, ngunit dahil sa lumalaki na ang ating populasyon ay hindi na aniya kakayanin ng lokal na produksyon ng bansa na punan ang pangangailangan. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us