Panukala para mabigyan ng school credit ang mga empleyado batay sa kanilang work experience, nakausad na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program o ETEEAP.

Sa ilalim ng House Bill 9015, bibigyang pagkakataon ang mga indibidwal na mayroon nang sapat na work experience o kasanayan na makakuha ng school credit para sa college education.

Ipinunto ni Bagui Representative Mark Go na sponsor ng panukala, na ang ETEEAP ay magsisilbing alternative learning program upang bigyang pagkakataon ang mga manggagawa at iba pang undergraduate adults na kilalanin ang kanilang work experience bilang school credit.

Ang mga indibidwal na mayroong limang taon o higit pang work experience ay maaaring makakuha ng college diploma oras na pumasa sa isasagawang academic equivalency evaluation; kung saan maaaring ibawas o i-credit ang haba ng taon ng kaniyang pagtatrabahao at kasanayan katumbas ng required school unit.

Ang Commission on Higher Education (CHED) ang magsisilbing lead agency sa pagpapatupad ng programa, at siyang tutukoy sa mga eskuwelahan na papayagan na magsagawa ng equivalency assessment. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us