Mga rice retailer sa Occidental Mindoro, nakatanggap na rin ng cash assistance mula sa DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Field Office MIMAROPA ang pamamahagi ng Sustainable Livelihood Program (SLP)-cash assistance sa mga micro rice retailers na apektado ng price ceiling sa bigas.

Nakatanggap ng tig-₱15,000 ayuda ang mga rice retailer sa isinagawang payout sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa San Jose, Occidental Mindoro.

Kabilang sa nakinabang rito ang mga apektadong micro retailers mula sa mga bayan ng San Jose, Sablayan, Calintaan, Mamburao, at Sta. Cruz.

Una nang sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na inaasahang mas bibilis na ang usad ng distribusyon dahil simultaneous na ang mga payout. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us