DILG-Alay, ibinahigi ang mga hakbang para epektibong pagpapatupad ng EO 39

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa naganap na pulong ng reconstituted at reactivated na Albay Price Coordinating Council (APCC)  ay naglatag ang tanggapan ng Department of Interior and Local Government – Albay na pinangunahan ni Program Manager Conniefer D. Codia ng mga hakbang para sa epektibong implementasyon ng Executive Order 39 sa probinsya.

Ayon kay PM Codia, ilan sa mga detalye na napagusapan ay ang pagbuo ng task force na syang magmomonitor ng presyo at pagtalaga ng price monitoring action officer sa probinsya na wala sa unang nabuong APCC noong Nobyembre 2022.

Ibinahagi din niya na mula nung Lunes ay araw araw nagsasagawa ng monitoring ang tanggapan ng DILG-Albay sa activation at muling pagbuo ng mga kanya kanyang price coordinating councils sa mga munisipalidad at lungsod ng probinsya. Maliban dito ay inaalam din nila kung may mga interbensyon nang ipinatupad ang mga LGUs bilang suporta sa mga retailers. Nagsasagawa din sila ng monitoring para matiyak na may itinalagang consumer complaint desk, timbangan ng bayan at hotlines ang mga LGUs para naman sa proteksyon ng mga konsyumer.

Ani PM Codia, natutuwa naman ang DILG – Albay sa ipinakitang mabilis na aksyon na ipinamalas ng pamahalaan ng Albay sa implementasyon ng EO 39. | ulat ni Twinkle Neptuno | RP1 Albay

📷Edcel Grex Burce Lagman and Albay Provincial Information Office

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us