Tagumpay ng peace process, ibinida ni Sec. Galvez sa ika-30 anibersaryo ng OPAPRU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni Presidential Peace Adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang naging papel ng lahat ng Pangulo ng Pilipinas, at mga dati at kasalukuyang opisyal at kawani ng Office of the PresidentIal Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) sa tagumpay ng prosesong pangkapayapaan.

Ito ang mensahe ng kalihim sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo ng OPAPRU ngayong araw.

Ayon sa kalihim, sa nakalipas na 30 taon, ang tanggapan ang nanguna sa pagsisikap ng pamahalaan na magkaroon ng pang-unawa at pagkakaisa ang bawat Pilipino.

Dahil aniya sa pagsisikap ng OPAPRU, libo-libong mga dating combatant, rebelde at extremist sa buong bansa ang namumuhay na ngayon ng tahimik bilang, produktibo, at “law-abiding citizens.”

Bukod dito isinulong din aniya ng ahensya ang mga prinsipyo ng mahusay na pamamahala, accountability, at hustisya sa mga local government unit, National Government Agency, institusyon at security sector sa pagtugon sa mga pangunahing ugat ng armadong pakikibaka. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us