Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 9th Infantry Division sa Camp Elias Angeles, San Jose, Pili, Camarines Sur, sa kanilang pagtutok sa pagtuldok sa banta sa seguridad sa lugar.
Sa naging Talk to the Troops ng pangulo, binigyang diin nito na sa kasalukuyan, hindi na lamang war fighters ang papel na ginagampanan ng militar.
“We are asking you to be peacemakers, because we’ve changed our approach to communist terrorist groups that we have been encountering. We are now not only presenting them with the military force, we are presenting them with other options. We are presenting them with the life after their lives as rebels.” —Pangulong Marcos.
Aniya, kailangan na ring maging peacemakers ng mga ito, lalo’t iba na ang approach na ginagawa ng pamahalaan sa mga rebeldeng komunista, kung saan binibigyan na sila ng pagkakataong makapagbagong buhay.
“And that I think has become the reason why we have slowly succeeded in the so called whole of society, whole of nation’s approach in terms of our dealings with these groups that originally would like to bring down the government by arm struggle.” —Pangulong Marcos Jr.
Pagtitiyak ng pangulo, sila sa national government, patuloy na nakasuporta sa Armed Forces of the Philippines, sa modernization program nito, at sa lahat ng hakbang at programa, na magpapalakas pa sa kanilang hanay.
“I have always said that of all the sectors of society, it is only the military that has never let the Filipino down. So keep up the good work. Continue your service. Inaasahan namin kayong lahat at hindi naman kayo – wala naman kayong karanasan na hindi niyo tinanggap ang inyong duty at hindi niyo tinupad ang inyong mission.” —Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan