DTI Chief, hinikayat ang Singaporean business leaders na mamuhunan sa mga strategic investment priority ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, isinagawa ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual, sa pakikipagtulungan ng Milken Institute, ang isang mahalagang talakayan ukol sa strategic investment priorities sa bansa.

Sa pulong, kasama ni Pangulong Marcos ang mga prominenteng CEO at mga matataas na opisyal mula sa Singapore.

Ipinakita ng Chief Executive at ni Sec. Pascual ang mga reporma sa pamumunuhan at mga incentives sa Pilipinas upang ipalaganap ang pamumuhunan partikular na sektor ng digital transformation, infrastracture development, at renewable energy.

Ibinida rin ni Pascual ang conducive business environment ng bansa para sa mga foreign investors at ang malaking domestic market ng Pilipinas.

Ibinida rin ng DTI Chief ang layunin ng Pilipinas sa larangan ng renewable energy, ang magandang oportunidad para sa mga start-up, at kayamanan ng bansa sa mineral deposits na mahalaga sa pagproseso ng green metals na magagamit sa pag-manufacture ng electric vehicles, renewable energy systems, at battery technologies.

Sa kanyang pagwawakas, tiniyak ni Secretary Pascual ang walang sawang suporta ng gobyernong Marcos sa mga Singaporean company sa kanilang operasyon sa bansa gayundin ang tulong ng DTI para sa mga dayuhang mamumuhunan. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us