Mga tindahan sa paligid ng UST tigil muna sa pagtitinda ng alak alinsunod sa liquor ban sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tigil muna sa pagbebenta ng alcoholic beverages ang mga tindahan malapit sa University of Sto. Tomas sa España, Maynila matapos magbaba ng executive order kagabi si Mayor Honey Lacuña na nagpapataw ng ban sa pagbebenta nito dahil sa gaganaping Bar Exams simula bukas.

Mapapansin sa ilang tindahang inikot ng Radyo Pilipinas ang mga bakanteng estante o ‘di kaya ay nilagyan muna ng ibang tinda bilang pagtalima sa ibinabang utos ng lungsod.

Maliban ngayong araw at bukas, ipatutupad din ang liquor ban ng September 19, Martes simula 12am hanggang 10pm September 20, Miyerkules.

At sa susunod na Sabado September 23, simula 12am hanggang September 24, linggo, 10pm.

Maliban sa paligid ng UST, ipinapatupad din ang liquor ban sa vicinity ng San Beda University sa Mendiola. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us