Hindi na bago sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang presensya ng Estados Unidos sa mga operasyon ng militar ng Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. matapos mapaulat ang United States Navy Aircraft sa bahagi ng Ayungin Shoal kasabay ng isinagawang re-supply mission sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre.
Sinabi ni Brawner na nagkaroon na ng presensiya ng ibang bansa sa mga operasyon ng militar noong kasagsagan ng Marawi seige, hindi lamang mula sa America kungdi pati na rin ang Australia.
Malaki umano ang naitulong nito para sa mga sundalong Pilipino na mapagtagumpayan ang kanilang misyon laban sa terorista.| ulat ni Rey Ferrer