Malaysia Week 2023, opisyal nang nagsimula

Facebook
Twitter
LinkedIn

Masaya at makulay na araw ang bumati sa lahat ng mga bumisita sa opisyal na pagsisimula ng Malaysia Week 2023.

Ayon kay Malaysian Ambassador to the Philippines His Excellency Abdul Malik Melvin Castelino, ilang buwan pa lamang ng kanyang pananatili sa Pilipinas, ikinatutuwa niya ang magandang relasyon nito sa pamahalaan at sa mga Pilipino dahil sa ipinapamalas nitong suporta sa kanilang mga adhikain. Aniya, ang pagdiriwang ng nasabing okasyon, ay simbolo lamang ng mas pinalakas na ugnayan ng ating bansa at nang Malaysia.

Kasama sa mga opisyal na dumalo sa nasabing okasyon sina Malaysia Makati City Vice Mayor Monique Lagdameo at Department of Tourism Undersecretary Shereen Gail Yu-Pamintuan.

Maliban sa ipinamalas na talento ng mga batang Malaysian sa kanilang cultural performance sa nasabing selebrasyon, matutunghayan din ang makulay na kultura ng Malaysia, ang kanilang mga produkto na pwedeng mabili at matitikman din ang kanilang mga lokal na mga inumin at pagkain. Ika nga, “A Taste of Malaysia in Manila!”

Ang Malaysia week ay magtatagal hanggang bukas sa kahabaan ng Paseo de Roxas Street, Makati City.| ulat ni Princess Habiba Sarip-Paudac

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us