P11.8-M halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa Davao Occidental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Matagumpay na naharang ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ang isang Indonesian motorized watercraft na KM PEJUANG DEVISA 2 na may kargang smuggled cigarettes sa karagatang bahagi ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Ang nasabing sasakyang pandagat ay nahuli ng BRP Artemio Ricarte (PS37) ng Philippine Navy habang papunta ito sa patrol destination.

Nang siyasatin, tumambad ang nasa 296 master cases ng smuggled na sigarilyo na may halagang aabot sa P11,840,000.

Dahil walang maipakitang dokumento, agad na hinuli ang sakay ng bangka na dalawang Pinoy at dalawa ring undocumented Indonesian nationals.  | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao

📷 Naval Forces Eastern Mindanao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us