Nagsagawa ng rabbies awareness lecture program ang lungsod ng Taguig para sa mga magulang at mga mag-aaral ng naturang lungsod.
Personal na dumalo si Taguig City Mayor Lani Cayetano upang magbigay ng lecture symposium sa naturang awareness program para mabigyan ng kaalaman ang bawat magulang at bata kung sakaling makagat ito ng aso o pusa at iba pang alagang hayop.
Aniya, mahalaga na malaman ng bawat tao ang mga hakbang kung sakaling makagat ng mga alaga nilang hayop kung papaano ang tamang pamamaraan ukol dito.
Dagdag pa ni Cayetano na nakahanda ang lungsod ng Taguig sa ganitong klaseng sitwasyon dahil may mga animal bite treatment centers ang kanilang lungsod na handang i-cater ang mga residente ng Taguig kung sakaling magkagat ang mga ito. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio
?: Taguig LGU