OCD, nangangailangan ng dalawang bagong assistant secretary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humingi ng dalawang karagdagang Assistant Secretary ang Office of Civil Defense (OCD) sa Malacañang.

Ito ang inihayag ng OCD Administrator Usec. Ariel Nepomuceno sa isinagawang One ASEAN, One Response Roadshow na inorganisa ng ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance o AHA Centre.

Paliwanag ni Usec. Nepomuceno, napakahalaga ng dalawang adisyonal na senior official na ito upang mas matutukan ang mga programa ng ahensya at mapaigting ang international relationship ng ahensya sa mga foreign organization na may kaugnayan sa disaster response.

Ikinatuwa naman ni Nepumoceno na inaprubahan na ng Malacañang ang kanilang kahilingan para sa karagdagang assistant secretaries.

Sa ngayon inaantay na lamang aniya ang opisyal na anunsyo para sa tuluyang pagtatalaga ng dalawang bagong opisyal ng ahensya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us