Paggamit ng grupong Karapatan sa magulang ng umano’y “nawawalang” aktibista sa propaganda, binatikos ng NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinamon ni National Security Council (NSC) Spokesperson Assistant Director General Jonathan Malaya ang grupong Karapatan na kung ipipilit nila ang kanilang alegasyon sa umano’y pagdukot kay Jonila Castro at Jhed Tamano sa Bataan, mas mabuting maghain sila ng “writ of habeas corpus” upang patunayan sa korte ang kanilang mga alegasyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Malaya matapos ilabas ng Karapatan sa kanilang press conference ang nanay ni Jonila Castro na si Rosalie Castro upang hingin ang “pagpapalaya” sa kanyang anak.

Nanindigan si Malaya na nasa maayos na kalagayan sa ilalim ng proteksyon ng pamahalaan ang dalawang kabataan at pawang propaganda lang ang press con ng Karapatan.

Ipinakita na aniya sa media noong Biyernes ni P/Capt. Carlito Buco Jr. ng Bataan Provincial Police Office ang mga larawan at video ni Jonila at Jhed na kasama ang mga miyembro ng Commission on Human Rights at Public Attorney’s Office ng Department of Justice.

Humarap na rin aniya sa publiko ang tatay ni Jhed na si Mr. Enrique Manalastas, na nagpasalamat pa sa PNP matapos na ma-reunite sa kanyang anak.

Maari din aniyang makita ng mga magulang ni Jonila ang kanilang anak anumang oras. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us