Nangako ang Singapore-based multinational technology company na Dyson Limited, ng ₱11 bilyong investment sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Trade Industry, sa naturang halaga ng investments, makapagbibigay ito ng 1,250 na trabaho at makakapagsulong ng mas maraming contract manufacturing sa Pilipinas sa kalagitnaan ng 2024.
Ayon naman kay Trade Secretary Alfredo Pascual, isa naman itong magandang indikasyon sa ating ekonomiya dahil sa halaga ng nasabing investment at makapaghahatid pa ng mas maraming oportunidad sa mamayang Pilipino partikular sa information technology.
Samantala, muli namang siniguro ni Pascual na ginagawa nila ang lahat ng makakaya upang mas makapaghatid pa ng mga mamumuhunan sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio