Nasa mahigit 4000 pamilya mula sa mga munisipalidad sa Davao del Norte ang apektado ng pagbaha dahil sa sunod-sunod na ulan hatid ng localized thunderstorms at southwest monsoon.
Sa datos ng Davao del Norte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, apat na mga barangay ang binaha sa munisipalidad ng Carmen kung saan 676 pamilya ang apektado.
Binaha rin ang dalawang barangay ng Sto. Tomas kung saan 2,150 pamilya ang apektado at apat na barangay sa Braulio E. Dujali at 1,315 pamilya ang apektado.
Wala namang naitalang namatay o sugatan sa nasabing pagbaha.
Agad namang namigay ng tulong ang lokal na pamahalaan sa lahat ng apektadong residente sa probinsya ng Davao del Norte. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao
📷 Sto Tomas DavNor Information Center