Nasiyahan si Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. sa nakitang malaking pagbabago sa paliparan sa bayan ng Jolo, Sulu pagkarating nito sa bayan kaninang umaga.
Layon ng pagbisita nito ay upang makiisa sa pagdiriwiang ng ika-633 taong anibersaryo ng pamamahala sa lalawigan o Bangsa Sug Day kung saan sa huling araw ngayon ay tampok ang cultural presentation sa Sultan Jamalul Kiram Gymnasium sa Maimbung.
Sa Panayam sa kaniya ng Radyo Pilipinas Jolo sinabi ng kalihim na malaki na ang ipinagkaiba ng lalawigan ngayon kung ikukumpara sa dati dulot ng mga proyektong pangkaunlaran.
Aniya, masaya siya at nakabalik dahil marami rin siyang kakilala dito at nasasabik din na muling makita ang mga ito.
Sa katunayan, pinasalamatan ni Teodoro si Sulu Gov. Abdusakur Tan sa pag-imbita sa kaniya na bumisita sa lugar.
Tutungo din siya sa probinsiya ng Tawi-Tawi sa susunod na linggo upang makiisa sa magkahalintulad na mahalagang aktibidad sa naturang lugar. | ulat ni Fatma Jinno | RP1 Jolo