DTI Region 1, nagpaalala sa mga rice trader na hindi pa dumaan sa profiling na magpalista na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ng DTI Region 1 ang mga micro rice retailer na hindi pa dumadaan sa profiling na magpalista na.  Ito ay upang maisama sila sa listahan ng mga maaaring makatanggap ng P15,000 na tulong mula sa pamahalaan sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD.

Lahat ng rice traders,  lisensyado man o hindi na sumusunod sa mandated price ceiling ng bigas ay hinihikayat na magparehistro

sa Business Permit and Licensing Offices (BPLOs) sa kanilang LGU, Provincial Office ng DTI o sa pinakamalapit na Negosyo Centers hanggang sa Miyerkules,  Setyembre 19.

Kailangan lamang dalhin ang kanilang lisensya at litratong patunay na nagbebenta sila ng regular milled rice (RMR) at well-milled rice (WMR). | via Albert Caoile | RP1 Agoo

 ðŸ“· DTI Region 1

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us