Minority solon, umaasa na gawing ‘urgent’ ang panukala na layong ibasura ang oil taxes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humirit si Assistant Minority Leader Arlene Brosas na sertipikahan bilang ‘urgent’ ang mga panukalang batas para mapababa ang presyo ng produktong petrolyo, kasama na ang pag-alis sa ipinapataw na buwis sa langis.

Ito ay bunsod na rin ng nakaambang oil price hike.

Aniya, oras na ipatupad ito ng mga kumpanya ng langis sa Setyembre 19, ay posibleng pumalo ng hanggang P70 ang kada litro ng diesel.

Sa ilalim ng House Bill 400, aalisin na ang ipinapataw na excise tax at VAT sa produktong petrolyo.

Kung matupad, P15 kada litro ng diesel ang mababawas sa bayarin.

“We filed House Bill 400 seeking to scrap TRAIN Law excise tax and VAT on petroleum products as our first priority measure for the 19th Congress. We challenge the Marcos Jr. administration to certify it as urgent.” ani Brosas.

Ilan pang panukala ang nakalinya para mapababa ang presyuhan ng produktong petrolyo kasama dito ang regulasyon sa downstream oil industry, unbundling ng petroleum price, rationalization ng Petron at pagkakaroon ng sentralisadong paraan ng pagbili ng oil products.

Ngayong hapon ay magpupulong ang House leadership kasama ang Department of Energy at mga kumpanya ng langis para hanapan ng solusyon ang pabigat nang oil price hike. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us