Food at medical allowance ng mga PDL, ipinapanukalang taasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinatataasan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang pondo para sa pagkain at gamot ng Persons Deprived of Liberty na nakapiit sa Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology.

Sa kaniyang House Bill 9100, tinukoy nito na ayon mismo sa BuCor, 20% ng mga nakapiit na PDL sa New Bilibid Prisons ang namamatay kada taon dahil sa sakit.

Sa kasalukuyan, ang budget para sa pagkain ng isang PDL sa isang araw ay nasa P70 lang habang ang medicine allowance nila ay P15 lang, halaga na kulang para aniya sa isang makataong pagtrato sa mga PDL salig sa United Nations Minimum Standard Rules for the Treatment of Prisoners.

Kaya naman itinutulak ni Rodriguez na gawing P100 ang arawang budget para sa pagkain ng mga PDL at doblehin o gawing P30 ang para sa kanilang medicine allowance.

Sa nakaraang budget briefing, kapwa sinabi ng BuCor at BJMP na hiniling nila sa DBM na madagdagan ang food at medicine allowance ng mga PDL sa ilalim ng 2024 budget ngunit hindi napagbigyan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us