Siniguro ng pamahalaan na patuloy ang pagsuporta nito sa mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS), sa gitna ng presensya ng mga barko at maritime militia ng China sa lugar.
Sa briefing ng Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera, na bagamat mayroon silang mga hamon na kinahaharap sa lugar patuloy nilang ipinararamdam sa mga Pilipinong mangingisda na nasa likod nila ang pamahalaan.
Hindi aniya titigil ang gobyerno sa pagsuporta sa mga ito.
Katunayan aniya, nitong Agosto, ginamit ng BFAR ang kanilang barko upang magsagawa ng refueling sa mga mangingisda sa Panatag Shoal.
Sabi ng opisyal, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan upang masiguro na hindi titigil ang gobyerno sa pagsuporta sa mga mangingisdang Pilipino. | ulat ni Racquel Bayan