Barangay Pasong Tamo sa QC, napiling pilot area sa planong gawing automated ang BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Quezon City Comelec na napili ang Barangay Pasong Tamo sa Quezon City bilang pilot area sa planong gawing automated ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon kay QC Comelec Election Officer Atty. Kevin Tibay, layon nito na makakuha ng eksaktong mga karanasan kung kakayanin na bang mag-automate ang susunod na BSKE.

Ayon kay Tibay, alinsunod na rin ito sa pinagtibay na Enbanc resolution ng Comelec na nagtatakda ng tatlong pilot barangays sa buong bansa.

Maliban sa QC, dalawa sa napiling barangay ay nasa Cavite.

Pabor si Atty. Tibay na ma-automate na ang BSKE dahil sa pamamagitan nito, masosolusyunan na ang   ang ilang problemang sumusulpot sa tuwing idinaraos ang halalan.

Naghayag naman ng kahandaan ang QC LGU na sumuporta sa ganitong hakbangin, na mapabilis at maiayos ang Barangay at SK Elections. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us