Kumander ng JTF-Basilan, siniyasat ang kahandaan ng mga tropa para sa paparating na BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniyasat ni B/Gen. Alvin Luzon, kumandante ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army ang kahandaan ng mga tropa sa kani-kanilang hurisdiksyon para sa paparating na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Binisita ni B/Gen. Luzon, na siya ring kumander ng Joint Task Force (JTF)-Basilan, ang mga tropa na ipinakalat sa iba’t ibang mga lugar sa probinsya, at nakipagpulong sa iba-ibang unit commanders ng hukbo sa lalawigan.

Sa kanyang pagdalaw sa Bravo “Battery” Company ng 1st Field Artillery Battalion at sa 14th Division Reconnaissance Company (DRC), inilahad ng mga ito ang kanilang mga plano, preparasyon, troop deployment, at kakayahan.

Aniya, ipinakita ng dalawang kompanya ang kanilang katapatan para makamit ang mapayapa, ligtas at makatotohanang eleksyon ngayong Oktubre.

Ipinaabot ni Luzon ang kanyang pamamatnubay sa mga tropa at pinuri ang mga ito dahil sa kanilang katapatan sa serbisyo, kaakibat ang disiplina at umaalab na pagmamahal sa mga Basileños.

Binisita rin ni Gen. Luzon ang island municipality ng Tabuan-Lasa, at nagkortesiya kay Mayor Moner Manisan.

Layon ng unit visitations na palakasin ang seguridad upang maitaguyod ang kapayapaan at katatagan ng iba’t ibang bayan ng Basilan.| ulat ni Lesty Cubol| RP1 Zamboanga Sibugay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us