Senador Jinggoy Estrada, nanawagan sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na aksyunan ang paninira ng Chinese militia vessels sa corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaasa si Senate Committee on National Defense chairman Senador Jinggoy Estrada na magsasagawa ng agarang aksyon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno kaugnay ng natuklasang paninira ng bahura o corals sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Pinahayag ni Estrada na seryoso at nakakabahala ang pangyayaring ito.

Giniit ng senador na dapat lang tiyakin ng ating pamahalaan, lalo na ang mga may mandato na magbigay proteksyon sa mga likas yaman ng bansa, na mapanagot ang mga responsable sa pinsalang ginawa sa ating karagatan.

Nanawagan rin ang mambabatas sa mga responsableng awtoridad na itaas ang kamalayan tungkol sa maritime at archipelagic issues ng Pilipinas at itaguyod ang ating national soveriegnty at territorial integrity.

Binigyang diin ni Estrda na ang pangangalaga sa marine environment at coral reefs sa Rozul Reef at Escoda Shoal ay hindi lang isang responsibilidad kundi isa ring moral duty na natin sa susunod na henerasyon.

Dapat aniyang magtulungan ang lahat sa pagprotekta sa mga mahahalagang natural treasures, pagtatguyod ng sustainable practices at pagsusulong ng mapayapang resolusyon sa mga isyung banta sa ating ecosystem.

Kailangan na rin aniyang konsultahin ng Pilipinas ang ating mga kaalyadong bansa tungkol sa isyung ito.

Gaya ng US, Australia, New Zealand at iba pang gustong tumulong sa Pilipinas maging ang mga bansang miyembro ng European Union (EU).| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us