3-Day Rice Technology Forum ng DA, dadaluhan ng 2,000 participants

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ilulunsad na simula bukas, September 19 hanggang September 21, 2023, sa Probinsya ng Davao del Sur ang 16th National Rice Technology Forum (NRTF) ng
Department of Agriculture (DA) sa pakipagtulungan ng Rice Board.

Mayroong temang “Masaganang Palay at Bigas, Maunlad na Pilipinas,” ang forum ay naglalayong isulong ang pag-adopt ng hybrid rice technology at i-showcase ang best at latest farming strategies.

Mahigit 2,000 farmers mula sa buong Davao Region at iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas at banyagang bansa ang magtitipon-tipon sa 3 araw na technology forum.

Ayon kay DA XI Regional Executive Director Abel James Monteagudo, ikinararangal nilang naging host ng 16th NRTF na isang significant milestone para sa mga magsasaka.

Ang tema nito aniya ay tumutukma sa hangarin nilang dumami pa ang produksyon ng bigas na maging matatag ang supply at abot-kaya ng mga pamilyang Pilipino.| ulat ni Nitz Escarpe| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us