Karagdagang biyahe mula South Korea patungong Palawan, magdudulot ng mas maraming turista – DOT  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan ngayon na lalo pang darami ang bilang ng mga Korean tourist na magtutungo dito sa Pilipinas.

Ito ay matapos maisapinal ang pagbubukas ng isang flight mula South Korea patungo sa Palawan.

Sa kabila nang pagdami ng mga Koreano na gustong magpunta ng Palawan, naisipan ng pamahalaan na buksan na ang panibagong ruta.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), nais din ng pamahalaan ng naturang bansa na makipag-partner rin sa Pilipinas para sa ilang programa kasama na ang pagsasanay ng tour guides, gamit ang korean language.

Matatandaan sa huling tala ng ahensya, ang mga Koreano ang isa sa may pinakamaraming bilang ng mga turistang dumayo, na nakapagtala nitong huling kwarter ng hanggang 26.14% mula sa kabuuang 1,332,855 foreign nationals sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us