DTI, pinag-aaralan pa ang hirit ng manufacturers na taas-presyo ng kanilang produkto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinag-aaralan pa rin ng Department of Trade and Industry (DTI) ang hirit ng ilang mga manufacturer na itaas ang presyo ng ilan sa kanilang mga produkto

Ayon kay Trade Assistant Secretary Jean Pacheco, nais ng kagawaran na matalakay ang naturang usapin kasama ang lahat ng mga manufacturer na naghain ng kanilang petisyon.

Dagdag pa nito, na kasalukuyan pa umano nilang tinitingnan kasama ang Consumer Protection and Advocacy Bureau ang apela ng mga producer, na una na ring dumadaing dahil sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Ang hiling na pagtaas ay kinabibilangan ng mga produktong de lata, gatas, kape, instant noodles, at iba pa.

Sinabi rin ng kagawaran, na ang hiling ng mga producer ay nais nilang matukoy para sa tamang hakbang at hindi sila labis na mahirapan. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us