Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagpapasinaya sa pinakabago at modernong barko na M/V Lite Cat 2 ng Sunline Shipping Corporation sa Cebu.
Ito ay may biyaheng Cebu patungong Tubigon, Bohol, kaya nitong makapagsakay ng mahigit 400 mga pasahero, 12 mga bus, at 25 iba pang sasakyan.
Sa talumpati ni VP Sara, nagpasalamat ito sa nasabing korporasyon sa pagsusumikap na makapagbigay ng world class na serbisyo sa publiko, at bilang suporta sa Maritime Industry Development Plan ng pamahalaan.
Ayon pa sa Pangalawang Pangulo, malaking tulong sa nation building ang pagkakaroon ng mga state-of-the-art navigation systems, at pagsasanay sa mga crew at ground workers ng naturang barko para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Sa tulong ng M/V Lite Cat 2, magiging dalawang oras na lang ang biyahe sa Cebu patungo sa Tubigon, Bohol mula sa dating apat na oras. | ulat ni Diane Lear