Naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs ukol sa pagkasira ng mga bahura sa Rozul Reef na sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone.
Ito’y sa kabila ng pagsasagawa ng mga aktibidad ng foreign vessels kabilang na ang Chinese vessels na nangingisda sa naturang bahagi ng West Philippine Sea.
Sa isang statement sinabi ng DFA na sila ay lubos na nababahala sa pagkasira ng marine environment sa Rozul Reef.
Dagdag pa ng DFA na isang malaking dagok ito sa mga mangingisdang Pilipino dahil sa kakaunti na ang kanilang mahuhuli dahil nasira na ang tahanan at pangitlugan ng mga isda.
Nanawagan naman ang DFA sa mga kinauukulan at sa mga ibang grupo na itigil na ang iligal na aktibidad na ito para mapreserba ang marine evironment at ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Rozul Reef. | ulat ni AJ Ignacio