Pinaghahanda na ng Department of Energy (DOE) ang publiko dahil sa magtutuloy-tuloy pa umano ang pagtaas ng presyo ng krudo at gasolina.
Ayon sa ahensya, posibleng magtagal pa ng hanggang Disyembre ang nararanasang pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Isa sa mga dahilan ay ang patuloy na pagtaas ng demand nito sa ibang bansa ganun din ang pagbawas sa produksyon ng mga ito.
Matatandaan na nasa panlabing-isang linggo na ang pagtaas ng presyo ng krudo sa bansa na talaga namang nagpapaiyak na sa mga driver at motorista na kumokunsumo ng petrolyo araw-araw.
Samantala, ngayong umaga na ganap na ipinatupad ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo kung saan dalawang piso ang itataas sa presyo ng gasolina at P2.50 naman ang itataas sa kada litro ng diesel. | ulat ni AJ Ignacio