Pampanga bilang Christmas Capital at GenSan bilang Tuna Capital, kapwa pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa pasado na sa Kamara ang panukala na layong kilalanin ang Pampanga at General Santos dahil sa kanilang natatanging ambag sa kultura at ekonomiya ng bansa.

Unang inaprubahan ang House Bill 6933 o panukala para ideklara ang Pampanga bilang “Christmas Capital” ng Pilipinas.

Napapanahon ayon sa mga mababatas ang pagpapatibay nito dahil sa nalalapit na kapaskuhan.

Batid anila ang pagiging tanyag ng Pampanga sa paggawa ng iba’t ibang uri ng parol.

At bilang pagkilala aniya sa “economic at cultural significance” ng industriya ng parol sa probinsya, ay marapat lang na tawaging “Christmas Capital” ang lalawigan.

Inaatasan ang Department of Tourism na isama at isulong ang lalawigan bilang “Christmas Capita”l sa pambansa at pang-rehiyon nitong promotion programs.

Pasado na rin sa huling pagbasa ang House Bill 4641 para naman kilalanin ang General Santos City bilang “Tuna Capital of the Philippines”

Ito ay bilang pagkilala sa pagiging pangunahing producer ng probinsya ng sariwa at canned tuna.

Anim sa walong tuna canneries sa Pilipinas ay makikita sa GenSan kung saan may ambag itong 120,000 na trabaho at may industry value na tinatayang US$58 million. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us