Bagong eroplano mula Amerika, tinanggap ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangungunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang turnover at blessing ngayong umaga ng bagong eroplano mula sa Estados Unidos.

Kasama ni Teodoro sa seremonya sa Clark Air Base sa Mabalacat City, Pampanga ngayong umaga si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. at Philippine Air Force commanding general Lieutenant General Stephen Parreño.

Ayon kay Philippine Air Force spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, ang C-208B Aircraft ay nakuha sa pamamagitan ng Grant Programs ng gobyerno ng Amerika sa Philippine Air Force sa ilalim ng Foreign Military Sales (FMS) Program.

Ang eroplano ay pangunahing gagamitin sa security concerns ng bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Intelligence, Surveillance and Reconnaisance (ISR) operations.

Ang bagong C-208B ay may upgraded integrated flight deck, audio panel, center console, audio control panels, cockpit displays, airborne sensor operators console, inertial navigation system, video encoder, sensor camera, at datalink.

Ide-deploy ang eroplano sa 300th Air Intelligence and Security Wing (AISW). | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us