Libreng pag-aaral ng abogasya sa SUCs, isinusulong ng Davao solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinapanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte at dalawa pang mambabatas na gawing libre ang pag-aaral ng abogasya sa State Universities and Colleges (SUCs) kapalit ng pagseserbisyo sa gobyerno.

Sa kasalukuyan, tanging sa medical profession lamang may ganitong programa at ito ay sa ilalim ng Doktor Para sa Bayan Act (RA 11509) na nagbibigay ng Medical Scholarship and Return Service (MSRS) Program.

Hindi rin anila saklaw ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act ang law degree.

Sa inihahaing House Bill 7433, bibigyan ng scholarship ang indigent o mahihirap na mag-aaral na nais mag-abogasya.

Matapos nito ay kailangang nilang magtrabaho sa Public Attorney’s Office (PAO) o ahensya ng gobyerno na nangangailangan ng abogado sa loob ng dalawang taon.

Kailangan din nitong makakuha ng bar examination sa loob ng isang taon matapos ang kinukuhang Juris Doctor degree.

Ang mga hindi magbabalik-serbisyo ay kailangang isauli ang lahat ng ginastos ng gobyerno.

Umaasa ang mga kongresista na sa paraang ito ay matutugunan ang kakulangan ng mga abogado sa Pilipinas

Ayon sa Integrated Bar of the Philippines (IBP), mayroong 40,000 abugado sa bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us