Nagkasundo ang Department of Agriculture – Philippine Fisheries Development Authority (DA-PFDA) at San Miguel Corporation (SMC) na magtulungan sa iba’t ibang aspeto ng fisheries infrastructure development, marketing, at mga kaugnay na aktibidad.
Kamakailan, isang kasunduan ang nilagdaan ng mga opisyal ng PFDA at San Miguel Corporation na sinaksihan ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban at Undersecretary for Fisheries Drusila Esther Bayate ukol sa proyekto.
Bilang bahagi ng partnership na ito, pinahintulutan ng PFDA ang SMC na umarkila ng isang lugar na lupang pag-aari ng PFDA para mapadali ang pagtatayo ng Southern Access Link Expressway Project (SALEX) alinsunod sa 2022 Supplemental Toll Operation Agreement (STOA).
Ang paupahan ay para sa 25 taon at maaaring i-renew sa pamamagitan ng mutual agreement bawat 25 taon.
Pangunahing layunin ng proyekto ay lumikha ng isang mahusay at direktang ruta patungo sa New Manila International Airport (Bulacan Airport) na dinevelop ng SMC. | ulat ni Rey Ferrer
📷: DA